| ||
| Are you in favor in dividing the province of Maguindanao into two separate provinces that will be called Maguindanao del Norte and Maguindanao del Sur pursuant to Republic Act Number 11550? | ||
| Location | Maguindanao, Philippines (excluding the independent-component city of Cotabato) | |
|---|---|---|
Pages
- HOME
- DAVAO
- CAGAYAN DeOro
- TheRest of MINDANAO
- CEBU
- ILOILO
- TheRest of VISAYAS
- METRO MANILA
- TheRest of LUZON
- NATION
- WORLD
- ECONOMY
- TECHIES
- LIFE and STYLE
- SOCIAL MEDIA STAR
- E-NEWS
- PROPERTY
- BLOGS
- POLITICS
- Davaoeños Pride
- Davao Directory
- Photo Blog
- Job Opening
- Foodies
- Sports
- Real Estate
- AgriBusiness
- Life And Style
- Aviation
- Opinion
- Trending
- PAMPANGA
- BATANGAS
- BULACAN
- CAVITE
- BACOLOD
- BOHOL
- PALAWAN
- BICOL
- Environment
Thursday, September 15, 2022
Maguindanao Division Plebiscites 2022
Monday, October 26, 2015
Life And Style | Bridal Carabao: A Unique Countryside Wedding Tradition from South Upi, Maguindanao
In the heart of the Philippine countryside, a beautiful and creative wedding tradition is capturing hearts and inspiring smiles, the Bridal Carabao.
This innovation, seen in South Upi, Maguindanao, replaces the usual bridal car with something far more meaningful and culturally rooted: a decorated carabao pulling a traditional wooden cart or sled, lovingly adorned with flowers, colorful fabrics, and native materials. The bride, often dressed in traditional or modest wedding attire and rides gracefully, turning her entrance into a moment of rustic elegance and rural pride.
More than just a charming visual, the Bridal Carabao symbolizes simplicity, sustainability, and respect for local heritage. In a time where weddings often chase extravagance, this humble alternative brings focus back to community values, cultural identity, and the beauty of slow, meaningful celebrations.
It’s a celebration not just of love, but also of tradition and ingenuity, a reminder that the most touching moments don’t always come from grandeur, but from the heart of the land and the people who cherish it.
South Upi’s Bridal Carabao is not just a ride but it’s a story, a statement, and a symbol of homegrown pride.
Monday, February 9, 2015
GUSTO NG MGA NEGOSYANTE ANG KAMAY NA BAKAL
by: Raymond Burgos | Abante Online News
Nagpahayag kamakailan ng pagkabahala ang mga negosyante at mangangalakal sa Mindanao na makakaepekto sa itatayong Bangsamoro entity ang naganap na pagmasaker sa 44 na commando ng Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao.
Nangangamba ang mga negosyante na dahil sa mabuway na peace and order sa dating Autonomous Region in Muslim Mindanao ay malamang na magsiatrasan na ang mga nagpaplanong mamuhunan at magtayo ng negosyo sa nasabing rehiyon.
Kasabay ng pangamba at pagkabahala ng mga negosyante sa Mindanao ang pagkadismaya sa administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino dahil sa kawalan nito ng direksyon at matigas na desisyon laban sa Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na siyang mga nasa likod ng pananambang sa mga miyembro ng SAF noong Enero 25.
Kaya nga ikinatuwa ng mga taga-Mindanao ang pagsulpot ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang posibleng kandidato sa pagka-pangulo sa 2016 at hindi nakakapagtakang suportado ng mga negosyante ang kanyang kandidatura.
Matagal na naging alkalde ng Davao City si Duterte at sa ilalim ng kanyang pamamahala ay nakamit ng syudad ang kaunlaran sa ekonomiya dala na rin ng kanyang istilo ng pamumuno na “kamay na bakal”.
Wala ring anomalya sa Davao City Hall sa ilalim ng administrasyon ni Duterte at mga negosyante na mismo ang magpapatotoo na ang mayor’s permit ay nakukuha ng mga negosyante sa loob ng 72 oras at walang lagay o padulas na ibinibigay sa mga opisyal ng city hall.
Si Duterte rin ang nagpatupad ng total ban sa mga paputok lalo na pagsasapit ang Pasko at Bagong Taon at lahat ay sumunod dito dahil batid nilang para ito sa kaligtasan ng mga bata at mga residente ng Davao City.
Mahigpit ding ipinapatupad ng Davao City ang speed limit na hanggang 60kph lang at ang liquor ban partikular sa mga menor de edad. May curfew din ang mga night spots at night club sa syudad ni Duterte at ito ay hanggang alas-dos lang ng madaling-araw para maiwasan ang sobrang kalasingan na nauuwi sa mga away at basag-ulo.
Maaaring totoong hindi pa desidido si Duterte sa pagtakbo sa 2016 bilang pangulo ng bansa. Ngunit sa natatanggap niyang suporta sa kanyang paglilibot, at dahil na rin sa mga problema ng bansa na kailangan ang isang matapang at may paninindigang mamumuno, malapit-lapit nang bumigay ang alkalde ng Davao City.
Hinahanap ng marami nating kababayan ang “kamay na bakal” na ang ibig sabihin ay pagkakaroon ng matigas na posisyon ng Pangulo sa MILF at ang kagyat na pagtugis sa mga BIFF na hindi kabahagi sa usapang pangkapayapaan.
Kailangan ng bayan ngayon ang “kamay na bakal”. Kailangan ng Pilipinas ang kagaya ni Mayor Duterte na may kamay na bakal sa mga kriminal at malambot na puso sa mga mahihirap at biktima ng mga sakuna at pang-aapi.
Hindi sapat ang “tuwid na daan” ng administrasyong Aquino na salat sa pagkakaroon ng matibay na paninindigan at pagiging mapagpasya sa panahon ng krisis gaya ng insidente sa Mamasapano.
source: Abante.com.ph

