Friday, February 20, 2026

Tatlo, Kumpirmadong Patay sa Landslide sa Davao de Oro

Monkayo, Davao de Oro — Kumpirmado ang pagkamatay ng tatlong indibidwal matapos matabunan ng lupa sa landslide na naganap sa Purok 5, Barangay Rizal bandang 11:40 ng gabi noong Pebrero 19.

Agad na rumesponde ang rescue team sa kabila ng tuluy-tuloy na pag-ulan at delikadong kondisyon ng lugar. Pinangunahan ang operasyon nina MDRRMO Rocris Glen Idul, Mayor Manuel Jayr Zamora Jr., at Hugh Maxuelle Zamora Apsay upang personal na tiyakin ang agarang aksyon.

Dalawang biktima ang unang narekober madaling araw, habang ang ikatlong biktima ay narekober ngayong umaga.

Ipinapaabot ng LGU Monkayo ang taos-pusong pakikiramay sa mga naulilang pamilya at nangangakong magpapatuloy ang pagbibigay ng tulong at suporta.

Pinapayuhan ang mga residenteng nakatira sa mga lugar na bahaing at landslide-prone na manatiling alerto at maghanda sa posibleng paglikas kung kinakailangan. Sundin ang mga abiso ng barangay officials para sa kaligtasan ng lahat.

Patuloy ang monitoring ng LGU sa lagay ng panahon at kaligtasan ng komunidad. Manatiling alerto at maghintay ng karagdagang opisyal na anunsyo.

📸 LGU Monkayo / Facebook 

#MonkayoLandslide 
#MonkayoDavao 
#MonkayoDavaodeOro 
#SouthernDCPost
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Share, Like & Follow

Search This Post