Saturday, December 14, 2013

ELIZABETH OROPESA's Open Letter to Mar Roxas goes Viral



ELIZABETH OROPESA's OPEN LETTER
TO MAR ROXAS

Pauna ko na po ang paghingi ng paumanhin sa mga maka-MAR ROXAS. Hindi lang ako mapakali dahil kahit saan ko tingnan ay mali ang kanyang katwiran. Walang dahilan para pahirapan at hwag tulungan ang mga pobreng nasalanta ng bagyo kahit sino pang pilato ang nakaupo, kalaban man o hindi.
Kung galit sila sa mga ROMUALDEZ, dapat parusahan nila ang mga Romualdezes!

Hindi kailangan ang legalidad bago nila tulungan ang mga tao! Pare- pareho tayong mga PILIPINO! Nakalimutan na ba ni Mar Roxas yan?

Sobrang pumapapel sa presidente na kung tutuusin at kung siya ay may puso at tama kung mag-isip...hindi po ba napakagandang halimbawa kung oramismo ay tumulong sya sa kalabang partido alang-alang sa mga nasalantang kababayan?!!!

Eh ano kung Romualdez yun at AQUINO ang Presidente? Hindi ba Presidente siya ng lahat? Hindi ba sabi niya "BOSS" nya tayo?
Sana tama na ang palusot. Huli na eh! Nasaan ba ang puso mo, sir? I'm sure meron naman, kaya lang mukhang tumigas na at naluto sa ambisyon.

Alam nyo po, walang pulitika sa langit. Dedma rin sa apelyido. Ang importante ay kung paano ka magpatawad, magpakumbaba at tumulong ng buong puso at kaluluwa, hindi dahil sa pera o dahil sa boto.

Nakita nyo naman ang mga pinagdaanan ng LAHAT ng presidenteng inabot ko. Si Apo MARCOS...napakatalino! Pero ano ang nangyari sa talino at dami ng pera nya? Hindi rin nya nadala ng mamatay sya. Marcos baby po ako at sya ang unang presidenteng nakilala ko.

Sumunod ay si RAMOS. Mukha bang masaya? Hindi rin. Si Pres CORY AQUINO na ang sumunod. Ano po ba ang ikinamatay? Old age? Hindi po ba Cancer? Kahit naging presidente, kahit naging hero ang asawang si B. Aquino, hindi parin nakaligtas sa Cancer! Tapos si ERAP. Sikat na artista at mahal ng masa. Kaso pumalpak din. Kulong!

Si Presidente GLORIA MACAPAGAL ARROYO...nakakulong pa rin.
O, anong pruweba pa ba ang kailangan? Hindi ba kahit sino ka, kahit gaano ka ka-powerful...kahit ano pa ang apelyido mo...hindi ka lulusot???

Sana po, kayong mga may kapangyarihang tumulong sa kapwa, bigyan ninyo ito ng tamang pagpapahalaga dahil hindi kailanman natutulog ang DIYOS.

Gamitin ninyo ng tama ang kapangyarihan at perang hawak ninyo para mailigtas ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan din ng pagtulong sa mga nangangailangan.

Tama na po ang gantihan ng gantihan. Maawa na kayo sa amin. Nakakahiya sa DIYOS at nakakahiya sa mga bansamg tumutulong sa atin.

Hindi po ako nagmamalinis o nagmamarunong. Marami din po akong kamalian pero malayong gawin ko ang mga ginagawa ninyong mga kabastusan at kahiya-hiyang pakikitungo sa inyong kapwa tao. Yun lang po.


source: Elizabeth Oropeza

Repost courtesy: Fanny Tf Serrano Facebook



No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Share and Like:

The Hard Working President

The Hard Working President
Davao City Mayor Rodrigo Duterte "destined to become president"

Search This Blog