Tuesday, December 23, 2025

VP SARA ATTEND A THANKSGIVING PARTY OF AFP

AFP SECURITY AND PROTECTION GROUP YEAR-END THANKSGIVING
Camp General Emilio Aguinaldo
Quezon City
Isang karangalan ang maimbita at personal na makadalo sa AFP Security and Protection Group Year-End Thanksgiving sa Camp Emilio Aguinaldo sa Quezon City noong nakaraang buwan.

Sa aking mensahe, nagpasalamat ako sa bawat isa sa kanila sa serbisyo at pagpapanatiling ligtas hindi lang sa akin, pati na rin sa aking pamilya. Dahil sa kanila, nagagawa ko ang aking trabaho sa Office of the Vice President at naisasakatuparan natin ang mga  proyekto at programa ng ating opisina na ligtas at walang pangamba.

Ipinagdiwang rin natin ang mga kasama natin na may mga kaarawan sa buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre. Pinarangalan at pinasalamatan rin natin sa kanilang serbisyo sa ating bayan maging ang mga nagretirong mga miyembro ng insitusyon.

At bago magtapos, nagbigay tayo ng mensahe para sa kanila at kanilang mga pamilya. Hindi importante na marangya ang pagdiriwang ng Pasko, ang mahalaga ay masaya tayo at kasama ang ating pamilya.

Salamat sa masaya at di makakalimutang sandali. Muli, a hopeful and joyful Christmas and better 2026 to all. Maraming salamat mga Sirs and Ma’ams. Mabuhay po kayo!!

Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Share, Like & Follow

Search This Post